Pekeng Immigration Employee Timbog Sa Quezon City
Inaresto ng Quezon City Police District (QCPD) Criminal Investigation and Detection Unit ang dalawang suspek sa pangingikil ng malaking halaga mula sa isang Korean National nitong nakaraang lingo.
Ayon sa impormasyon nahuli itong dalawa sa ikinasang entrapment operation ng mga tauhan ng Quezon City Police sa loob ng Camp Karingal.
Napagalaman na itong biktima ay lumapit sa dalawa para sa renewal sa kanyang Working Visa at Alien Certificate of Registration, kung saan nagpakilala na mga empleyado ng Bureau of Immigration (BI) at hiningian ng mahigit sa dalawang daang libong piso.
Kung kayat naisipan nitong biktima na humingi ng tulong sa mga awtoridad upang nahuli ang dalawang suspek, matapos humingi ng karagdagan 70 tawsan upang ituloy ang kanyang renewal ng kanyang Working permit at ACR.
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado hindi mga empleyado ng Immigration ang dalawa, at kasabay nito pinayuhan ang mga nagnanais na mập-renew ng kanilang ACR at Working permit, na magtungo sa opisina ng Immigration o kaya sa online e-services portal ng Bureau of Immigration.
At aniya huwag makikipagusap sa taong nakilala niyo sa social media upang maiwasan mabiktima ng mga ng mga nagpapangap o bugos immigration employee. (Froilan Morallos)