Pasahero sa NAIA Tiklo sa Droga
Nasakote ng mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Filipino dahil sa pagpuslit ng kush marijuana o illegal drugs mula sa Thailand.
Ayon sa report kinilala ang suspek na si Magnolia Paano Buenio 34 anyos residente ng Molino Bacoor Cavite, at nakuha sa kanyang bagahe ang 1,100 grams ng marijuana kush na tinatayang aabot sa 1,540,000.00 ang halaga.
At batay sa impormasyon dumating ito kahapon sa naia terminal 3, sakay ng Cebu pacific flight 5J 930 galing sa Bangkok Thailand.
Ayon kay Customs assistant deputy collector for Passengers Services Mark Almase nakuha sa luggage ni Buenio ang isang brown envelop kasama ang plastic marble pot na binalot ng Styrofoam na naglalaman ng 1,100 grams ng marijna kush.
Agad na inaresto si Buenio ng mga tauhan ng Customs Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) dahil sa paglabag ng section 4 Art. II ng RA 9165 o kilala sa tawag na Dangeruos Drug Act 2000.(froilan morallos)