Pasahero Inaresto ng PNP sa NAIA
Naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 nitong nakaraang araw ang isang pasahero dahil sa illegal drugs na nakita sa kanyang luggage
Ayon sa impormasyon nahuli ito bandang alas 10:00 ng gabi ng June 9, 2025, bago makasakay sa kanyang Cebu pacific flight 5J 553 papuntang Cebu.
Nakuha sa backpack ng pasahero ang ibat-ibang lighter, sachet, drug paraphernalia, at white crystalline substance na pinaniniwalaan shabu.
Ang pasaherong ito ay nasa kamay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at nakatakdang sampahan ng kaso, dahil sa paglabag ng RA 9165 o kilala sa tawag na Comprehensive Dangerous Drug Act 0f 2000. (froilan morallos)