Pasahero Inaresto ng PNP sa NAIA

Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group ang isang 48 anyos na pasahero ng Cebu Pacific flight papuntang Cebu, matapos magbiro na mayroon bomba sa loob ng kanyang bagahe.

Ayon sa report nangyari ang insedenti noong lingo ng hapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 habang nasa boarding procedure ang naturang pasahero.

Na siyang nagging dahilan upang ipaalam ng cabin crew sa piloto, kasabay sa pagtawag ng mga awtoridad upang sumailalim sa inspection ang dalang bag kung saan nakalagay ang sinasabing Granada.

Agad na dumating ang grupo ng Explosive Ordinance Disposal teams dala ang sniffing dog, fire medical personnel bilang pagsunod sa operating procedure.

Matapos ang dalawang oras na isinagawang inspection walang nakitang bomba, at agad naman na dinala itong suspek sa opisina ng PNP para sa legal proceedings, bago sampahan ng kasong paglabag ng Presidential Decree (PD) no. 1727, o sa tinatawag na Ant-Bomb Joke Law. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *