Pasahero Inaresto Ng PDEA Sa NAIA
Naaresto ng pinagsanib na mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC), at Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang pasahero dahil illegal drugs.
Ayon sa report kinilala ang suspek na si alyas Chris 25 anyos at pinaniniwalaan isang Canadian Citizen.
Nakuha sa bagahe ni Chris ang limang plastic bag ng illegal drugs na tumitimbang ng 20.5 kg, at tinatayang aabot sa 139,767,200 milyon pesos ang halaga.
Binalot ang mga ito ng mga aluminum foil at duct tape,upang makaiwas at malayang makalabas sa naia.
Napagalaman na naisakatuparan ang operasyon ng BOC at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office – NCR, sa tulong at impormasyon mula sa kanilang counterpart sa ibang bansa.
Kakaharapin ng pasaherong ito ang kasong kriminal dahil sa paglabag ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (froilan morallos)