Pansamantalang Isasarado sa Publiko ang NAIA 4 Magmula November 6, 2024

Pansamantalang isasara sa riding public ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 4, alinsunod sa gagawin renovation ng airport na ito, upang maging komportable ang mga pasahero,ayon sa New NAIA Infrastructure Corporation (NNIC).

Ito ay magsisimula sa darating na November 6, at inaasahan matatapos ang konstraksiyon ng airport na ito,sa buwan ng February sa susunod na taon.

At ang 36 domestics flight na kinabibilangan ng Cebu Pacific, Air Swift, at Sunlight Air, ay ililipat sa terminal 2, upang hindi maantala ang kanilang mga daily flights sa ibat-ibang ;lugar sa bansa.

Ayon pa sa NNIC ang NAIA Terminal 4 ay mayroon tinatayang aabot sa 2,900 mga pasahero bawat araw, at mayroon din itong 1,400 incoming at 1,500 outgoing passengers representing 2.23% of NAIA’s total daily passenger volume.

At ayon sa tagapagsalita ng NNIC ang kanilang layunin na gawin ang Terminal 4 a more comfortable and efficient for travelers. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *