PAL Flight PR 102 Nag-Emergency landing sa Japan Airport

Nag-emergency landing kahapon ang Philippine Airlines (PAL) flight PR102 sa Haneda Airport sa Japan,dahil sa lumabas na usok na nagmula sa isang airconditioning unit ng eroplano na siyang nagging sanhi upang magsibabaan ang mga pasahero.

Ayon sa report ang PR 102 ay papuntang Los Angeles California lulan ang 359 pasahero at labing walong (!8) crew.

Ang PAL Boing 777 na may registry number RPC 7782 ay nakalapag sa Haneda Airport dakong alas 3:30 ng madaling araw local time matapos payagan ng Haneda Control Tower for an emergency landing.

Ayon sa pamunuan ng PAL nakababa naman ng matiwasay ang lahat ng mga pasahero, at ang 18 flight deck and cabin crew, at kasalukuyan inaayos ang eroplano sasakyan ng mga ito patungo sa kanilang final destination.

Samantala, pinagpapaliwanag ni Department of Transportation Secretary Vince Dizon ang PAL

sa nangyari at kasabay na pinagbabayad ng damages sa sinapit ng mga pasahero (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *