Paiigtingin Ng PNP Ang Patakaran Sa Bomb Joke Sa NAIA

Pagi-ibayuhin ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group at domestics airlines ang isinusulong information campaign laban sa bomb joke sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), upang maiwasan ang ano mang insedenti.

Ayon kay PNP-Avse group Director General Jack Wanky na sumasang-ayon siya sa plano ng Civil Aeronotics Board (CAB)at lokal airlines na paigtingin ang information campaign tungkol sa problema, at domino effect nito.
Kung kayat aniya kinakailangan isulong ang mahigpit na patakaran sa mga terminals sa mga sasakyan panghimpapawid upang maiwasan na maantala ang kanilang mga flight papasok at palabas ng bansa.
Batay sa record walong (8) bomb joke ang naitala ng kanilang opisina noong nakaraang taon, at tatlo (3) nitong pagpasok ng unang buwan ng 2024.
Sa ilalim ng Presidential Decree 1727, o kilala sa tawag na bomb joke, ang pagbibiro nito ay isang criminal offense , at may kaakibat na pagkakulong.(jan. 25,2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *