Overstaying South African Tiklo Sa Albay
Inaresto ng pinagsamang ibat-ibang
Kinilala ang suspek na si Benjamin Michael Theron, at nahuli ito noong January 24 sa may Sikatuna St. Barangay Ilawod West, ng pinagsanib na puwersa ng BI’s Regional Intelligence
At ayon sa nakalap na impormasyon ng pahayagang ito,nahuli itong suspek dahil sa reklamo ng kanyang dating kinakasamang o ka-live in na Pilipina, bunsod sa pagiging abusado, pangugulo at walang galang sa kanilang mga kabarangay lalo na kapag naka-inom ng alak.
Ayon kay Fortunato Manahan Jr. hepe ng BI Intelligence Division ng Bureau of Immigration dumating itong African national noong pang taon 2018, at hindi nitong naisipan na I-renew ang kanyang tourist visa,bagkus nadiskobre pa ng kanyang mga tauhan na nag-expired ang visa nito tatlong taon na ang nakakalipas.
Aniya sa ilalim ng Immigration law, kinokonsidera ito na isang gross violation ng Philippine Immigration Act of 1940, at hindi nararapat na manatili sa bansa, kung kayat agad ito ipatatapon palabas ng bansa sa lalong madaling panahonsapagkat isa itong banta sa seguridad ng mga kababaihan. (Feb. 5, 2024)