OFW Magsasampa Ng kaso Laban Sa Asawa

Napornada ang pagalis ng isang Overseas Contract Worker (OFW) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kahapon ng hapon matapos punitin ng kanyang asawa ang kanyang Philippine Passport, boarding pass at basagin ang cellular phone, dahil sa sobrang selos.

Ang binabanggit na OFW ay nakilala na si Myren Detari Onato 31 anyos isang OFW na nagtratrabaho bilang house hold contract worker sa bansang Qatar, at ang asawa ay nakilala na si Lonard Banate 34 anyos residente ng Roxas City.

Ayon sa impormasyon nakatakdang umalis si Myren kahapon ng hapon, pabalik ng Doha Qatar at habang nagaantay ng boarding sa kanyang Philippine Airlines (PAL) flight PR 684 papunta sa naturang bansa, biglang tumawag ang kanyang asawa upang magpaalam sa kanya.

Ngunit sa halip na magpaalam, biglang hinalbot ang kanyang passport, boarding pass at cellular phone at kasabay pinagsisira ang mga ito, upang mmapigilan ang pagalis nito.

Agad inaresto si Banate ng mga tauhan ng Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP),dahil sa reklamo ni Onate laban sa kanyang asawa.

Napagalaman na si Onato ay umuwi sa Pilipinas nitong nakaraaang holiday season upang makasama o makasalamuha ang kanyang mga mahal sa buhay sa Pasko at bagong taon.

Samantala, nakatakda naman kasuhan ni Onato ang kanyang asawa sa korte dahil sa paglabag ng RA 9262 o kilala sa tawag na Anti-Violence Against Women and Children Act of 2004, at pagsira ng Public Documents.

(froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *