NNIC Nag-deploy ng Walong Bagong Bus sa NAIA

Nag-deploy ang New NAIA Infra Corp. (NNIC) ng walong shuttle buse sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na siyang gagamiitin sa paghatid ng incoming passengers na may connecting flight.

 

Sa kabuuan umaabot na sa labing dalawa (12) ang magsisilbing service bus ng NNIC para sa mga pasahero nagmamadali upang hindi maiwan sa kanilang connecting flight.

 

Ayon sa NNIC, ang labing dalawang bus na ito, ay originally designed para sa 35 milyon passengers annually, at itoy antisipasyon sa pagtaas ng demand matapos ang pandemic era.

 

At ito ay nago-offer ng round the-clock free transfer for passengers with connecting flight ng sa gayon mabawasan ang waiting time at congestion sa mga airport, ayon kay NNIC President Ramon Ang.

 

Bukod sa mga binabanggit na mga buses, kamakailan lang nag-deploy din ang NNIC ng dalawang bagong ambulance para maakoderan ang problemang pangkalusugan o quick medical assistance.

 

Naglagay din ito ng apat na inter-terminal coasters para sa mabilisan paglilipat ng mga travellers lalong lalo na ang naghahabol ng kanilang mga flights. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *