Consignee ng Isang kilong Shabu Timbog sa Pasay

Naresto ng mga awtoridad ang cosignee ng hinihinalang shabu habang kini-claim nito kahapon ang kanyang package sa Central Mail Exchange Center (CMEC) malapit sa Domestic Airport sa Pasay City.

Kinilala ang suspek na isang 28 anyos alias Ruth, na siya rin itinuturong consignee ng isang kilo Methamphetamine Hydrochloride na tinatayang aabot sa 6,854,400.00 milyon pesos ang halaga.

Ayon sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ideneklara ang mga ito bilang ‘Ladies wares”, at mga bags.

Batay sa impormasyon na nakalap ng pahayagang ito, ang mga drogang ito ay nag mula pa sa bansang Ontario Canada.

Nakuha sa parcel ang self-sealing transparent plastic bags na binalot ng aluminum foil na naglalaman ng isang kilong white crystalline substance na hinihinalang shabu.

kinumpiska sa suspek ang kanyang mobile phone, notice card, at ibat-ibang indentification card na nakapangalan sa consignee. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *