Naiwan Na Pouch sa NAIA Naibalik sa Mayari

Naibalik ng mga tauhan ng Lost and Found Section ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa mayari ang kanyang naiwan na maliit na bag sa itaas ng push cart sa may arrival area ng naia 2.

Ang maliit na bag o pouch ay pagmamayari ng isang nagngangalang Ronald Mascarinas at naglalaman ng mga credit cards, driver license at cash amount na hindi binanggit ang halaga.

Ayon sa impormasyon si Ronald ay galing sa Butuan, at dumating ito sa NAIA 2 noong June 2, 2024, kasama ang kanyang kapatid na babae, ngunit hindi niya namalayan na naiwan ang kanyang maliit na bag sa loob ng troley.

 

Dahil sa pagmamadali upang maihatid ang kanyang kapatid sa terminal 1 para maka-abot sa kanyang connecting papuntang USA, at nawala sa isip niya ang kanyang pouch.

At batay sa report ang naturang pouch ay napulot ng isang Security guard on duty na si Manuel Marcelo Jr. habang nakabantay sa may arrival area ng airport.

Pinasalamatan naman ni Mascarinas si Marcelo sa kanyang ipinakitang kabaitan at pagmamalasakit sa mga pasaherong nakakaiwan ng gamit.

At pinuri din ni MIAA General Manager Eric Ines si Marcelo, kasabay sa panawagan sa lahat ng mga empleyado ng MIAA ipagpatuloy o gayahin si Marcelo sa kanyang ipnakitang integridad sa pagpapatupad ng kanyang tungkulin. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *