NAIA Ilinipat sa Pamamahala ng NNIC
Pormal na ililipat bukas ng umaga ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa New NAIA Infrastructure Corporation (NNIC) ang pamamahala sa maintenance operation at rehabilitation ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay MIAA General Manager Eric Ines ilan sa mga department offices ay maaring maapektuhan o ma-dissolved/abolished at aniya ang mga apektadong empleyado ay ire-relocate o kaya ililipat sa ibang ahensiya ng pamahalaan.
Batay sa napagkasunduan ng dalawang panig 429 sa 1,200 organic employees ang maaring ma-accommodate at ang iba ay makakatanggap ng Separation Incentive Pay (SIP) mula sa MIAA.
Habang ang mga contractual employees ng MIAA ay ina-commodate ng NNIC, kabilang na dito ang mga Security Guard, building attendance at iba pa.
Napagkasunduan ng dalawang ahensiya ang mga ongoing projects like improvement of taxiway, runway lights, additional immigration counters at NAIA Terminal 3 and waterproofing at NAIA Terminal 2 ay ipagpapatuloy ng MIAA hanggang matapos ang mga ito.
Matapos ang turn-over, ang MIAA ay magsisilbing monitoring, kung saan babantayan ang galaw ng NNIC para malaman kung sumusunod sa napagkasunduan sa kontrata.
Ayon naman kay incoming NNIC general manager Angelito Alvarez “business as usual” or will be maintained so as not to disrupt operations, as changes will be made “gradually and methodically. (froilan morallos)