Nagtalaga ang Bureau of customs (BOC) ng well trained sniffing dog sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) upang mabantayan ang mga pasahero na naglalabas at nagpapasok ng malaking halaga ng pera sa bansa.
Matapos magkaroon ng kasunduan ang BOC at Philippine Coast Guard (PCG)na pinangunahan ni NAIA-Customs district collector Yasmin Mapa, upang masawata ang money laundering sa AirPort.
Ayon kay Mapa nakakaalarma ang nanagyayaring ginagawa ng incoming at out going passengers na naglalabas at nagdadala ng foreign currency na hindi idideklara para makaiwas magbayad ng buwis sa pamahalaan.
Kamakailan isang babaeng Chinese national ang nahulihan pagdaan sa final Security Check-piont ng
ng mahigit sa 10,000 US dollar threshold ng Bangko Sentral ng Pilipinas, kung saan kinumpiska ang sobra
Sa ilalim ng Central Bank regulation, ang isang pasahero ay pinapayagan na magdala ng foreign currency ng hindi lalampas sa 10,000 dollar. (froilan morallos)