Nag-inspection si Acting DOTr Secretary Giovanni Lopez sa NAIA,Para sa Kapakanan ng Mga Pasahero Ngayon Undas
Nag-inspection sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) si Acting Department of Transportation Secretary Giovanni Lopez, para sa seguridad ng mga pasahero na uuwi sa kanilang mga probensiya para sa selebrasyon sa araw ng mga Panay.
At upang dalawin ang kanilang namayapang mga kamag-anak sa Kani-kanilang mga probensiya sa ibat-ibang lugar sa bansa.
Kasama ng kalihim sa pag-ikot ang ilang opisyal ng Manila International Airport Authority (MIAA) at ang New NAIA Infra Chairman na si Ramon Ang, kung saan kasama sa pinuntahan ang bagong bukas na Mezzanine Food Hall sa naia terminal 3.
Kaugnay nito pinasalamatan naman ng kalihim ang patuloy na pagsuporta ng pamunuan ng NNIC sa pagpapaganda ng naia para maipadama ang safety at comport ng mga pasahero. (Froilan Morallos)
