Modernization ng NAIA Sisimulan sa Mayo
Nakikipagtulungan ang New NAIA Infra Corporation (NNIC) sa global airport technology expert, Collins Aerospace, para maging maganda ang kasalukuyang sestima ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ang dalawang kumpanya ay magbubuo ng makabagong sestima o desinyo alinsunod sa International Aviation Standard.
Napagkasunduan na ang Collins Aerospace, ang siyang inatasan sa pag-overhaul ng NAIA, bunsod sa angkin galing sa tinatawag na cutting-edge airport solutions, upang makamit ang isasagawang modernization ng airport.
Kasama din sa kasunduan ang paglalagay ng Common Use Passenger Processing System and Common Use Self-Service kiosks,kung saan pinahihinutulutan ang mga pasahero na mag—check at mag-drop ng kanilang mga luggage.
Papalitan naman ang Biometric screening ng multiple document checks para mabawasan ang waiting time ng mga pasahero ng sa gayon maging madali ang pagpasok sa mga bording gate.
Maglalagay din ng real time flight information o flight information display system sa naia website upang maging madali sa mga manlalakbay ang pag-monitor sa kanilang mga flights.
Magsisimula ang modernization program ng airport sa darating na buwan ng Mayo, at inaasahan sa buwan ng August ang Core system for passenger processing, baggage tracking at resource management ay operational, para ma-minimized ang pagkawala ng mga bagahe.
Ayon naman kay Ramon Ang, Presidente ng NNIC ang modernization program ng NAIA ay long over -due, and we are committed to transform naia into a world -class gateway,that meets the expectation of modern travellers. (froilan morallos)