Miyembro ng West African drug syndicate Tiklo Sa Makati City

Naaresto ng Bureau of Immigration (BI) operatives ang isang Kyrgystani national dahil sa paglabag sa prebilihiyo na ipinagkaloob ng pamahalaan sa kanyang pansamantalang pani nirahan sa bansa.

 

Batay sa impormasyon kinilala ang suspek na si Anara Ruslanova 29 anyos, at nahuli ito ng mga tauhan ng Fugitive Search Unit (FSU) noong July 23 sa isang residential vallage sa Makati City.

 

Ayon sa nakalap na impormasyon ng FSU si Ruslanova ay pinaniniwalaan na isang miyembro ng West African Syndicate, at illegal drug trafficking sa bansa.

 

At ayon sa data base ng immigration si Ruslanova ay dumating sa bansa noong pang October taong 2018, at hindi na nito naisipan na umalis hanggang sa kasalukuyang, bagkus hindi rin nag renew ng kanyang visa.

 

Si Ruslanova ay pansamantal naka-kulong sa BI Detention center sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, habang naka-pending ang kanyang deportation order. (froilan morallos)

Arrested man in handcuffs with handcuffed hands behind back in prison

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *