Miyembro ng Japanese ‘Luffy’ Syndicate Tiklo Sa Taguig

Nasakote ng mga tauhan ng Fugitive Search Unit (FSU) ng Bureau of Immigration (BI) ang Japanese national na hinihinalang kasapi ng isang notorious “Luffy” criminal syndicate sa kanilang lugar.
Ayon sa report kinilala ang suspek na si Kensuke Kudo 28 anyos, at nahuli ito sa kanyang tinitirahan bahay, sa ikinasang operasyon sa Taguig ng pinagsanib na mga tauhan ng National Police Agency (NPA), ng Japan, at ng Philippine National Police -Intelligence Group (PNP-IG).

At naaresto ito sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Tokyo Summary Court noong pang buwan ng January, dahil sa paglabag ng Japanese Penal Code.

Napagalaman na si Kudo ay nagkunyari bilang isang Japanese authority upang i-surrender ang mga ATM card ng mga biktima, na siyang nagging sanhi para ma-withdraw ang perang laman sa mga ATM card ng mga victim.

Ayon sa report ng Japanese authority si Kudo ang natitirang active member ng “Luffy” syndicate na nago-operate sa Pilipinas at Japan, at batay sa impormasyon nakakulimbat ito ng isang bilyon Yen mula sa mga biktima.

Agad naman ito nai-turn over sa BI Warden facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City para sa isasagawang documentation,habang naka pending ang kanyang deportation order ng BI Board of Commissioners.(froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *