MIAA Nag-donate ng mga Damit at Sapatos sa Mga nasunogan sa Parañaque

Nag-donate ang Manila International Airport Authority (MIAA) ng mga damit ,sapatos at bag sa 465 pamilyang nasunogan sa Barangay BF Homes sa Parañaque City.
Ayon kay MIAA General Manager Eric Ines ang mga nasabing kagamitan ay iniwan mga bagahe ng ilang pasahero na pinapabayaan  sa loob ng anim na buwan.
Nakasaad sa ilalim ng MIAA Memorandum Circular no. 05 Series of 2021, ang mga bagahe na hindi Kinuha pagkalipas ng anim na buwan o sa tinatawag na retention period, ay ido-donate sa charitable institutions o kaya sa outreach program ng nasabing ahensiya.
Ang isinagawang donation drive ay alinsunod ng MIAA Corporate Social Responsibility (CSR), kasama ang disaster response, recovery and rehabilitation efforts, and medical and Social Services programs ng pamahalaan, dagdag na pahayag ni GM Ines.
 (Froilan Morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *