Mga Transient Passengers Natutulog Sa Sahig Ng Airport
Nagtuturuan ang Bureau of Immigration (BI), Ninoy Aquino international Airpot (NAIA) at Airlines sa kinakaharap ng mga pasahero, na may problema sa dokumento, dahil walang matulugan, bagkus napipilitan matulog sa sahig ng airport gamit ang karton.
Matapos ipasara ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang day room, na nagsisilbing tulugan ng pasaherong may connecting flight at hindi pinapayagang makapasok sa bansa.
Ayon Kay MIAA Spokesperson Atty. Cris Bendijo, malaking probema ito, sapagkat hindi pumapayag ang Immigration na ilipat sa naia terminal 3, kung saan mayroon available day room.
Kung kayat sa ngayon humahanap sila ng isang lugar sa naia terminal 1, o deserting lugar na paglalagyan ng mga restricted passengers.
Ayon naman kay Immigration Deputy spokesperson Melvin Mabulac ang ginagawa nila agad na itinu-turn over sa mga airlines para sa food accommodation, at anila ang kanilang papel ay purely monitoring, at mag-provide ng flight available.
Ngunit umalma ang airlines, dahil aniya ang gobyerno ang siyang mag-provide ng decent place to stay of the passengers inadmissible.
Maging ang Department of Justice (DOJ) Refugees and Stateless Persons Protection Unit, inatasan ang MIAA na mag-allocate ng day room sa mga pasaherong hindi pinapayagang pumasok sa Pilipinas.
