Mga Pugante Japanese national Ipina-deport ng BI

Ipina-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Japanese nationals na wanted sa kanilang lugar dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa pandarambong at money laundering.

Ayon kay Commissioner Joel Anthony Viado nakilala ang dalawang Japanese national na sina Ito Shinya, 36 anyos, at Kawasaki Hiroyuki, 37 anyos.

Batay sa impormasyon ang dalawa ay sakay ng Japan Airlines Flight JL746 papuntang Narita, Japan.

At naaresto ang mga ito sa pakikipagtulungan ng Japanese Authorities at mga tauhan ng immigration at iba pang sangay ng pamahalaan.

Ang kaso ng dalawa ay may kaugnayan sa pagmamanipula ng pekeng magnetic notarized deeds ng Shell company na ginamit ng mga ito, upang makapangulimbat ng malaking halaga sa mga biktima.

Ang pagkaka-deport ng mga salarin ay sinyales ng malakas na ugnayan o pagkakaibigan sa pagitan ng Japanese at Philippine Government, ayon pa kay Viado. ( froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *