Mga Pinoy Pinag-iingat sa Online Mudos ng Illegal Recuiters

Na-alarma ang Bureau of Immigration sa halos araw-araw ang mga nahuhuling Pilipino na pinaniniwalaan biktima ng online scamming schemes sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Commissioner Joel Anthony Viado, ito ay resulta sa nasabing mudos ng mga illegal recuiters sa pamamagitan ng social media, aniya kasama na dito ang pangakong mataas na suweldo o high paying customer service job sa labas ng bansa.

Batay sa record ng Immigration noong nakaraang taon umabot sa 118 pinoy ang biktima sa mudos na ito.

Ayon pa kay Viado kaparehas ang kanilang mudos o style sa illegal POGOs, kung kayat maraming Filipino ang naguguyo ng mga ito.

Kamakailan lang labing dalawang (12) pinay ang nabiktima papuntang Myanmar, kung saan pinangakuhan ng magandang trabaho, ngunit humantong sa inhuman conditions, katulad ng physical abuse, mahabang oras na trabaho ng walang bayad.

Kaugnay nito pinapayuhan ni Commissioner Viado ang mga Pilipino na mag-ingat at huwag maniniwala sa online, bagkus i-report ang mga ito sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) o kaya sa Immigration upang madakip ang mga ito. (froilan morallos)

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *