Mga Pasahero ng Butuan airport Binulabog ng Bomb Treat

Binulabog ng bomb treat ang mga pasahero ng Butuan Airport ayon sa report na nakarating sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), nitong nakaraang araw, na siyang dahilan upang mademoralays ang mga ito at ma-delay ang mga flight sa nasabing paliparan.

 

Matapos makatanggap ng text message ang Butuan Airport Police station bandang alas 5:14 kahapon ng hapon, tungkol sa bomba na nakalagay sa baggage ng isang pasahero galing Cebu papuntang Manila sa may comfort room ng boarding area ng airport.

 

Agad naman humingi ng saklolo ang command system ng CAAP sa mga kinauukulang upang maprotektahan ang kapakanan ng mga pasahero, at kasabay nito nakipag-coordinate ang mga ito sa Security and Intelligence Service (CSIS) security personnel para sa seguridad ng airport.

 

Nagtulong-tulong ang grupo upang hanapin ang sinasabing bomba sa ibat-ibang sulok ng airport, hinalughog din ang boarding area, comfort room, passengers terminal building, ngunit walang nakitang bag o bomba na iniwan.

 

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP), at binlaan ang maygawa na isa itong paglabag sa RA 1727, o kilala sa tawag na Bomb Treat at may kaparusahan ng limang taon na pagkakulong at may kaakibat na multa na hindi bababa sa 40,000 pesos.(froilan morallos)

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *