Mga Labi ng Dalawang Seafarers Sinalubong ng Ilang Opisyal nn Pamahalaan

Dumating sa bansa ang mga labi ng dalawang seafarer na napatay ng paulanan ng missile ng rebelding Houthi ang kanilang barko na M/V True Confidence noong buwan ng Marso habang naglalayag sa may karagatan ng Gulf Aden.

Ang daawang biktima ay kasama sa labing limang (15) Filipino Crew members ng M/V True Confidence na inatake ng mga rebelde noong March 6 sa may kalagitnaan ng Gulf Aden.

At ang labing tatlong (13) sa labing limang crew ay nakauwi na sa bansa, kung saan pinagkalooban ng tulong ng pamahalaan.

Naiuwi ang mga labi ng dalawa sa pakikipagtulungan ng Department of Foreign Affairs (DFA), sa mayari ng barko, local manning agencies at iba pang ahensiya ng gobyerno.

At sinamahan ang labi ng dalawa ni Dubai Labor Attache John Rio Bautista katuwang ang ilang opisyal ng Department of Migrant Worker (DMW) at ng Overseas Workers and Welfare Administration (OWWA)

At batay sa impormasyon ipagpapatuloy ang assistance o tulong ng DMW at OWWA sa dalawang seafarers, habang kinakaharap ng mga naulilang pamilya ang difficlut times at pagsunod sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *