Mga Kontrata Ng House keeping at pest Control Services Sa NAIA Rerepasuhin
Umapela ang Manila Internagtional Airport Authority (MIAA) sa mga establisimyento partikular na itong mga nagtitinda ng pagkain sa Ninoy Aquino International Aiport (NAIA) na panatilihin ang kalinisan ng kanilang mga puwesto.
Ito ang Panawagan ni MIAA General Manager Eric Ines matapos ang kaliwat kanan batikos ng MIAA, dahil sa reklamo ng isang pasahero na kinagat ng surot, kasunod ang naglipanang ipis at daga na nag-viral sa social media.
Ayon Kay Ines mayroon malaking problema ang house keeping at pest control providers sa naia, sapagkat tila hindi nagampanan ang kanilang mga tungkulin para mapanatili ang kanilinisan sa apat na terminal ng bansa.
Kasabay ipinag-utos nito sa kanyang mga tauhan na magsagawa ng imbestigasyon at repasuhin ang kontrata ng house maintenance services na kinabibilangan ng CBII Philippines International Inc., Front Runners Property Maintenance General Services Corp., Dear John Services Inc. at EMU Cleaning Services.
At ipinasisilip din nito (Ines)ang kontrata ng Pest Control Services Pest Control services, ng Mapecon, Blow Pest Control Sevices, ENTOM Pest Control and General Services Corp. at Jopare Pest Control System.
Batay sa impormasyon ang MAPECON ang siyang may hawak sa pest control services sa naia terminal1, Blow Pest Control ang sa terminal 2, ENTOM Pest Control and General Services Corp. sa terminal 3 at Jopare Pest Control System sa terminal 4.
