Mga Kawani ng DPWH Nagsasanay ng Tunnel Operation Japan
Isang delegasyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) engineers ang kasalukuyang nagsasanay sa mga makabagong teknolohiya ng bangsang Japan upang maiangat ang kaalaman ng mga ito pagdating sa Comprehensive capacity development program ng pamahalaan.
Pinangunahan ni Director Benjamin Bautista ng United Management Office-Roads Management Cluster ng Department of Public Works and Highways (DPWH), at itoy bilang preparasyon sa tunnel operation and maintenance sa on going tunnel project mula Valenzuela papuntang Baclaran, at Davao City Bypass construction project.
Kasama sa naturang programa ang tinatawag na hands-on experience sa ibat-ibang aspito ng modern construction techniques, including upgrading the capabilities of dpwh personnel, cutting -edge tunneling methods at ang actual operation of Japan tunnel including emergency response at sinasanay din ang mga ito upang masusunod ang highest standards of quality, safety and efficiency of projects.
Habang on going ang training dadalhin din ang grupo sa Kamariya-Shodo tunnel na mina-manage ng NEXCO (East Nippon Expressway Company ng Japan, upang makita ang critical component ng tunnel at kahalagahan ng innovative engineering safety features,structural design, ventilation system, at emergency response protocols.(froilan morallos)
