Mga Kawani Ng BOC at BI Boluntaryong Nagsi-pagsuot ng Face Mask Sa NAIA

Boluntaryon na nagsipagsuot ng face mask ang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) at Bureau of Customs (BOC), na nakatalaga sa Ninoy Auino International Airport (NAIA), bilang proteksiyon na napapabalitang bagong variant COVID 19 FLIRT.

Ayon sa pamunuan ng Immigration ang pagsuot ng face mask ng kanilang mga tauhan ay boluntaryo at hindi mandatory, itoy upang makaseguro ang bawat isa sa kanilang kawani  na hindi mahawa sa bagong variant ng COVIC 19.

Matatandaan na ang mga kawani ng tatlong ahensiya ng pamahalaan na kinabibilangan ng BI, BOC at BOQ ang siyang pangunahing sumasalubog o tinatawag na fontliners upang makadaupang palad ang  dumarating na mga pasahero galing sa loob at labas ng bansa.

Kaugnay nito mahigpit na isinasagawa ang mahigpit na monitoring ng mga taga BOQ sa mga incoming passengers sa Ninoy Aquino International Airport gamit ang FLIRT termal scanners para ma-indentify ang pasaherong nahawa sa sakit na ito mula sa bansang pinagmulan.

At kasabay na ipinag-utos ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Eric Ines sa mga housekeeping providers na isama sa pag-disinfect ang mga dalang baggages at iba pang itmes na dala ng mga naturang pasahero.

Maging ang food concessioners ay inatasan din ni GM Ines na i-disinfect ang kanilang mga respective areas, lalo ang mga mesa kung saan kumakain ang kanilang mga customers upang maiwasan na kumalat ang sakit na ito.

Ipinagbigay alam din sa publiko na sundin ang mga basic health measures, katulad ng parating paghuhugas ng kamay iwasan umubo sa maraming tao, at umiwas

makipaghalibilo sa maraming tao. (froilan morrallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *