Mga Biktima ng Illegal Recuiter Na-intercept sa NAIA

Na-intercept ng Immigration officers (IO) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang dalawang pinay na pinaniniwalaan ng mga biktima ng human trafficking bago makasakay sa kanilang flight palabas ng bansa.

Ayon sa mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) nangyari ang insedenti noong January 27 sa may departure area ng naia terminal 3.

Kung saan nag-disguise ang mga ito bilang regular tourist ngunit hindi kumbensido ang mga tauhan ng BI, dahil hindi magkakatugma o kaduda-duda ang sagot ng dalawa sa isinagawang inisyal interview.

Ngunit kalaunan inamin g dalawa na na-recuite sila ng isang nagngangalang Madam na magtrabaho bilang mga cleaners sa isang hotel sa Malaysia.

Ang mga biktima ay dinala sa opisina ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), upang papanagutin sa paglabag ng Immigration Law. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *