Mga Biktima Ng Illegal Recruiter Na-Intercept ng BI Sa MCIA

Na-intercept ng Immigration Protection and Boarder Enforcement Section (I-PRBOES) ng Bureau of Immigration (BI), sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA), dahil sa kaduda-dudang mga kilos ng mga ito.
Ayon sa mga tauhan ng I-PROBES ang dalawang Pinoy ay naharang noong July 18 sa may departure area ng MCIA, bago makasakay sa kanilang Cebu pacific flight papuntang Hongkong.

Ang dalawa ay nagkunyaring mga turista, ngunit tila hindi kumbensido ang ilang Immigration Office, dahil sa magkakaibang nagging pahayag, na siyang sanhi upang sumailalim ng imbestigasyon.

Sa isinagawang pagsisiyasat, inamin ng babaeng biktima na pupunta siya sa United Arab Emirates kasama ang kanyang pinsan na lalaki.

At ayon naman nitong lalaki siya ang gumawa ng paraan na sumama ang kanyang pinsan na babae pupunta sa South Korea para magtrabaho sa isang farm sa Jeju Island.

Kung saan pinangakuhan ng magandang suweldo,kung kayat na-inganyo na sumama sa kanyang kamaganak sa Korea.

Ang dalawa ay dinala sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) upang sumailalim ng imbestigasyon kasabay ang pagpa-file ng appropriate charges laban sa facilitator at recruiter. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *