Mga Biktima Ng Human Trafficking Nasagip Ng BI Sa NAIA
Nasagip ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang limang Pilipino na pinaghihinalaan biktima ng human trafficking, ayon sa report na nakarating sa Office of the Commissioner.
Ayon sa impormasyon naharang ang mga ito noong August 26 taon kasalukuyang bago makasakay sa kanilang Kuala Lumpur flight patungong Malaysia, dahil sa kadududang ikinikilos ng mga ito.
Napagalaman na ang tumatayong leader ng grupo ang isang nagngangalang Rosa kasama ang kanyang apat na taong gulang anak na lalaki, dalawang babae at isang 27 anyos na lalaki.
Sa isnagawang inisyal na imbestigasyon inamin ng mga ito na magtratrabaho sila sa Cambodia bilang mga customer service representatives, at si alias Rosa ang nag-facilitate ng kanilang travel maging ang mga dokumento na kakailanganin.
Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado,this is another case of the ‘bitbit’ scheme, wherein seemingly legitimate travelers accompany trafficking victims to facilitate their departure from the Philippines.
Agad na dinala si Alias Rosa sa opisina ng Inter-Agency Council Against trafficking (IACAT), upang sumailalim ng imbestigasyon at kasabay nito ang paghahain ng kaso sa korte. (froilan morallos)