Mga Bayarin sa NAIA Tataas sa taong Ito
Nakatakdang tumaas ang mga bayarin sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA) , bilang pagsunod sa 160 percent average increase in consumers Price Index (CPI) sa loob ng nakaraang 24 anyos, alinsunod sa capital expenditure (CAPEX).
Ayon sa Department of Transportation (DOTr) ang pagtaas ng fees and charges at passengers Service Charges, ay nakapaloob sa terms and conditions o nakapagkasunduan sa pagitan ng DOTr at ng mga representanti ng Air Carriers Association on the Philippines (ACAP), Board of Airlines representatives (BARS) at ng Airlines Operators council (AOC) sa isinagawang consultation meeting noong June 11, 2024 katuwang ang Asian Development Bank, DOTr transaction advisor , at ng NAIA Public -Private Partnership (PPP) projects.
Ayon naman kay Atty. Roberto Lim ang rate increases ay dumaan sa tamang proseso, alinsunod sa MIAA executives orders, joint circulars of the Department of Finance , Department of Budget and management, National Economic and Development Authority, at ng RA 9485.
Kung kayat aniya its high time o kinakailangan ng NAIA ang significant capital investment upang makamit nito ang acceptable service standard for passengers, at mai-angat ang numero ng landing at take -off slots ng mga airlines sa nago-operate sa bansa.
Dagdag pa nito ang mga bayarin at charges ay napako o hindi nag bago mag mula pa noong taong 2000 sa ilalim ng MIAA administrative order no. 1 of 2000, hanggang pandemic, kung kayat kinailangan ang rehabilitation ng airport, at urgent capital investment, upang mai-taas and operational efficiency at maisaayos ang trapiko papasok at palabas ng airport.
At sa kasalukuyang nakikipagtulungan ang MIAA sa tatlong airlines associations upang mapabilang ang naia sa the most expensive airport sa buong mundo, dagdag an pahayag ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista. (Froilan Morallos)
