Metro Manila Subway Project Matatapos sa Taong 2009
Tiniyak ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na matatapos ang Metro Manila Subway Project (MMSP) o kauna-unahan underground railway sa bansa sa taong 2029.
Ang underground railway project ay pinoduhan ng Japan International Cooperation Agency (JICA) at Japanese governmet ng halagang 150 bilyon Japanese Yen sa pamamagitan ng loan agreement na napagksunduan ng dalawang bansa..
Ayon kay Bautista ang MMSP ay magsisimula sa Valenzuela City hanggang Pasay City,kung saan mayroon itong 33 kilometro ang haba, binubuo ng 17 estasyon, at inaasahan na makaka-accommodate ito ng 519,000 libong pasahero bawat araw.
At sa pamamagitan ng proyekto ito maiibsan ang problema sa trapeko sa buong Metro Manila kapag naging operasyonal ito.
Binabalangkas sa kasalukuyang ng tatlong ahensiya ng pamahalaan, kabilang ang DOTr, National Economic and Development Authority (NEDA) at Department of Finance (DOF) ang mga dokumento na naayon sa napagkasunduan o loan agreement.(tony gildo)