Marijuana Kush Na-intercept sa NAIA
Na-intercept ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang 5,703 gramo ng dried
marijuana leaves sa inabandonang parcel sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA),at tinatayang aabot sa 8,554,500.00 pesos ang halaga.
Ayon sa report nadiskobre ang mga ito bandang alas 2:30 ng Miyerkules ng hapon sa ikinasang operasyon ng NAIA-Inter-Agency Drug Interdiction Task force (IADIT) sa CMEC.
Ideneklara ang mga ito bilang bigas, kumot, pinatuyong prutas, cha o tea at laruan, kung saan binalot ng maigi upang makalusot sa mga kinauukulang.
Nakatakda naman sumailalim ng masusing imbestigasyon ang consignee, dahil sa paglabag ng RA 9165 o kilala sa tawag na “Dangerous Drug Act 0f 2002. (froilan morallos)