Malaking Sindikato Nabuwag Ng Bagong Administrasyon
Nabuwag ang malaking sindikato sa loob ng Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos mabulgar ang kanilang mudos ng kasalukuyang administrasyon, ayon sa pahayag ng isang empleyado na ayaw magpabanggit ng kanyang pangalan.
Sinabi nitong insider bukod sa mga ghost, sub-standard at over price ng DPWH projects, ito din grupo ang nasa likod ng mga insertion sa mga un-program projects sa buong bansa kasabwat ang mga corrupt Congressman at ilang Senador.
Aniya ito ang dahilan sa talamak at walang humpay na corruption ng kagawaran sa loob ng mahabang panahon, sapagkat kasabwat ang karamihan sa matataas na opisyal, kung kayat bilyon-bilyon pera ang nawawala sa kaban ng bayan.
Ito din grupo ang itinuturong nagmamanepula pagdating sa promotion sa mga position mag mula sa pinakamababang puwesto, hanggang sa Director, Assistant Director, District Engineer at Assistant District Engineer sa buong bansa.
Batay sa nakalap na impormasyon madali ang promotion sa DPWH kapag may pera pambigay sa grupo, aniya ang threshold sa Assistant District Engineer ay one milyon pesos, District Engineer ay 5 milyon at 10 milyon naman sa Regional Director.
Dagdag pa nito, ito aniya ang dahilan kung kayat talamak ang corruption sa loob ng ahensiyang ito dahil sa sestimang umiiral sa loob ng mahabang dekada. (Froilan Morallos)