Mahigit sa Limang Milyon Pesos Kinumpiska ng BOC

Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong lunes ng hapon ang isang bag na puno ng undeclared Philippine currency mula sa pasahero papuntang Narita Japan.

Ayon sa report ang naturang bag ay naglalaman ng 5,195,000 milyon pesos at pagaari ng  nagngangalang Shorsh Siniawi isang Australian national.

Ayon kay Shorsh ang nasabing pera ay napanalunan niya sa casino, ngunit agad ito inisyuhan ng  Warrant of Seizure and forfeiture ng Bureau of Customs,dahil sa paglabag ng Section 1113 of Customs Modernization Tariff Act, at alituntunin ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Nakasaad sa Customs Memorandum Circular 89-2022 at ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Circular No. 1146 Series of 2022, kinakailangan humingi ng clearance o permit sa Bangko Sentral ng Pilipinas ang malaking halaga bago ilabas sa Pilipinas.

At sa mga outgoing passengers hindi lalampas sa 50,000.00 pesos, o katumbas ng 10,000 US dollars foreign currency, in excess you need to secure clearance from the BSP.(froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *