Mahigit sa Isang Daang POGO Workers Ipina-deport ng Immigration
Ipina-implement ng Bureau of Immigration (BI) ang deportation sa 187 Chinese national na sangkot sa illegal online gaming operation sa ibat-ibang lugar sa bansa.
Ayon sa report umalis ang mga ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon sakay ng Philippine Airlines (PAL) patungong Shanghai China.
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado ang nasabing bilang ng mga deportee ay kasama sa 190 Chinese national, na nahuli ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa kanilang ikinasang raid sa Pasay at Cebu City.
Ngunit naiwan ang tatlong Chinese o hindi pinayagang makaalis ang mga ito bunsod sa mga kinakaharap na mga kaso sa ibat-ibang korte sa bansa.
Kaugnay nito seniguro ng pamunuan ng immigration na hindi na maaring makabalik ang mga ito sa bansa, dahil sa paglabag ng kondisyunes na ipinagkaloob ng pamahalaan sa kanilang pansamantalang paninirhan sa Pilipinas. (froilan morallos)