Mahabang Tuly sa Mindanao Binuksan sa Publiko
Binuksan sa publiko ng Department of Public Works and Highways (DPWH) nitong nakalipas n araw ang 3.17-kilometer Panguil Bay Bridge Project (PBBP) sa lalawigan ng Mindanao.
Ang proyektong ito ay nagkakahalaga ng 8.026 bilyon pesos at itoy inutang ng pamahalaan mula Korean Export-Import Bank –Economic Development Cooperation Fund (KDCF) sa ilalim ng Loan Agreement No. PHL-18.
At ang tulay na ito ang siyang nagkokonekta sa mga lalawigan ng Misamis Occidental,Tangub city, Lanao del Norte at Munsipyo ng Tubod
Batay sa impormasyon ang proyektong ito ay ginamitan ng makabagong desinyo ng Korean bridge technology upang maging matibay at anila hindi ito maaapektuhan ng anong kalamidad na dumaan sa kanilang lugar.
Ito aniya ay tinatawag na world class designed features sapagkat mayroon itong extra-dosed main bridge, with 320 meter central span, at sinuportahan pa ito ng dalawang pylons standing 20 meters, linagyan pa ito ng anim na cable, kasama din ang mgas ilaw na magsisilbing liwanag sa mga travelers.
Ayon pa sa pahayag ni Secretary Manuel Bonoan ang Panguil Bay Bridge marks the dawn of a new era in Philippine infrastructure development sa Mindanao. (froilan morallos)