Limang Miyembro ng Salisi Gắng Tiklo sa NAIA

Na-aresto ng mga tauhan ng Airport Police Department (APD) ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang limang miyembro ng notorious “Salisi” gang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA Terminal 3 sa pamamagitan ng isang lingong surveillance Laban sa mga suspek.
Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Eric Ines ang limang suspek ay sangkot sa ibat-ibang klaseng pagnanakaw sa mga bagahe ng mga natutulog pasahero mag mula noong April 28 at May 5, 2025, at itinataon sa palitan ng mga security.
At nahuli ang mga Ito sa tulong ng mga tauhan ng New NAIA Infrastructure Corporation (NNIC), ngunit sa sampong miyembro lima ang nahuli, at ang iba ay mabilis na nakatakas.
Nakuha sa mga suspek ang kanilang mga ninakaw na dalawang mobile phone at isang lap top, at agad na kinasuhan ang lima ng resistance and disobedience to person in authority, sa Pasay City Prosecution office.  ( froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *