Limang domestic flight ang ipinakansela ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) dulot sa masamang panahon.

Ayon Kay CAAP information officer Bea Bernardo dalawa ang kanseladong flight sa Virac Airport, na kinabibilangan ng Cebu Pacific flight 5J 821/5J 822 Manila-Virac -Manila, kung saan 311 pasaherong apektado.
Dalawa din sa Naga Airport, Cebgo flight DG 6113/DG 6114, at isa naman sa Masbate, ito ang Cebgo flight DG 6080/6081, kung saan 134 pasahero ang apektado.
Kasalukuyan nasa standby alert ang CAAP sa mga kaseladong flight, at tinulungan naman ang mga Ito kasama na ang pagpaparebook, baggage claims at security support.
Kasabay nito inatasan ng CAAP Ang kanilang mga area Manager na I-provide ang malinaw at timely communication sa lahat ng apektadong pasahero at bigyan ng kaukulang assistance to mitigate disruptions . (Froilan Morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *