Limang Dayuhan Timbog sa Ikinasang Operasyon ng BI
Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Mabalacat Pampanga ang kapangalan ng isang sikat na South Korea actor Lee Minho, at wanted sa Korea dahil kasong tinakbuhan limang taon na ang nakakalipas.
Ayon sa report nahuli ito ng BI’s Fugitive Search Unit (FSU) sa loob ng Clark Freeport Zone noong November 25, sa tulong ng Korean authorities at sa bisa ng Mission Order na inisyu ng BI laban kay Lee.
Napagalaman na pinagtulungan nina Lee at mga kasamahan nito na gulpihin ang biktima gamit ang isang baseball bat, na siyang nagging sanhi sa pagka-confined ng biktima sa hospital ng ilang araw.
At nakarating din sa kaalaman ng pamunuan ng Bureau of Immigration na si Lee ay mayroon nakabinbin na Warrant of Arrest na inisyu ng Suwon District Court noong February 2024 sa kasong paglabag ng Republic of Korea Criminal Act.
Samantalang kasamang naaaresto ang apat na foreign national sa ikinasang magkakaibang operasyon noong November 26 at 27, 2024 sa Davao Oriental, Makati at Pasay City.
Ang mga nahuli ay nakilala na sina Shalabi Nidal Mohd Suleiman 53 anyos Jordanian national, Wei Xiaofing 28 Chinese national,Chen Chi-Yin 32 anyos at Huang Chun Fu 31 anyos pawang mga Taiwanese national.
Batay sa impormasyon si Suleiman ay inakusahan na nagnakaw ng pera sa kanyang dating employer sa Dubai ng tinatayang aabot sa 110,000 Euros at 200,000 AED.
Habang si Xiaofeng ay wanted sa China dahil sa illegal na pagamit ng hidden Camera sa loob ng hotel ng walang pahintulot mula sa mayari, at ang dalawang Taiwanese ay wanted sa kanilang bansa, hinggil sa mga kasong pandarambong.
At ang dalawang ito ay pinaniniwalaan na mga miyembro ng isang notorious Bamboo Triad syndicate na sangkot sa large-scale firearms at drugs smuggling operations sa kanilang lugar. (froilan morallos)