Limang Airport Na-apektuhan ng Tropical Storm Kristine
Na-apektuhan ng bagyong si Kristine ang limang airport na pinamamahalaan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), kung kayat ilan sa mga airline personnel ay hindi nakapasok sa kanilang mga trabaho, dulot ng tubig baha sa mga lansangan.
Batay sa report ang mga apektadong airport ay kinabibilangan ng Bicol International Airport (BIA), Masbate Airport, Virac Airport,Laoag International Airport (LIA), Tacloban, Naga at Lubang airport.
Ayon kay Karen Villanda, CAAP information Officer, pansamantalng kinansela ang mga flight papasok at palabas sa mga binabanggit na airport, dulot sa masamang panahon dala ng bagyong Kristine.
Batay sa report na nakarating sa pamamuan ng CAAP, kanselado ang Cebgo DG 6113/6114 Manila-Naga-Manila, DG 6117/6118 Manila-Naga-Manila, 5J 321/322 Manila_Daraga-Manila, 5J 325/326 Manila-Daraga-Manila, DG 6195/6196 Manila-Daraga-Manila, DG 6195/6196 Manila-Daraga-Manila, DG 6197/6198 Manila-Daraga-Manila, PR 2923/2924 Manila-Daraga-Manila, PR 2919/2920 Manila-Daraga-Manila.
Kanselado din ang lahat ng Masbate flight, gayon din ang Cegbo DG 6193/6194 Manaila-Daraga-Manila, 5J 323/324 Manila-Daraga-Manila, 5J 172/173 CEB-Daraga-CEB, PR 2921/2922 Manila-Daraga-Manila, at PR 2927/2928 CEB-Daraga-Manila.
Maging ang PR 2196/ 2197 Manila-Laoag-Manila, PR 2198/2199 Manila-Laoag-Manila, at panasamantalng ipinatigil ng CAAP ang Iba Zambales Airport training school kasama ang sa Lubang Airport dahil sa masamang panahon. (froilan morallos)