Labing Tatlong Chinese Nationals Tiklo sa Isang Minahan sa Eastern Samar
Dinampot ng mga awtoridad sa HOMONHON ISLAND, Eastern Samar ang labing tatlong (13) Chinese nationals dahil sa illegal na pagtratrabaho sa minahan ng walang mga kaukulang working permit mula sa pamahalaan.
Naaresto ang mga ito ng mga tauhan ng BI’s Intelligence Division (ID) katuwang ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at ilan personnel ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon kay BI-ID Chief Fortunato Manahan, Jr., ang mga dayuhang ito ay nagtratrabaho sa dalawang mining company sa isla ng Homonhon.
At ayon sa impormasyon na nkarating sa immigration ang labing isang (11) Chinese national ay mayroon mga working visa, ngunit sa ibang kumpanya, at aniya its violation of their visa conditions.
Sa labing isang Chinese national isa dito ang mayroon retiree’s visa, at ang isa naman ay overstaying.
Mananatili ang mga ito sa kamay ng mga tauhan ng PAOCC, habang ang Immigration ang siyang magi-initiates ng deportation proceedings laban sa mga dayuhan. (froilan morallos)