Labing Apat na Sasakyan Huli Sa Overcharging

Labing apat na sasakyan ang hinuli ng pinagsanib na mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Avsegroup at Land Transportation Office (LTO) sa Ninoy Aquino International Airport dahil overcharging.

Ayon sa report ng PNP ang sampo ay pawang mga Taxi at ang apat ay mga private vehicles kung saan pumipek-up ng mga pasahero sa naia ng walang prankisa.

Napagalaman na ang nasabing mga sasakyan ang naniningil ng sobra sa mga pasahero galing sa ibang bansa, at maging sa mga domestics passengers.

Ang ikinasang operasyon ay ang tinatawag na “ Oplan Pamasaheng Tapat” upang puksa-in ang mga abusadong driver na nago-operate sa mga Paliparan sa bansa.( froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *