Labing Apat na Nigerian National Timbog sa Las Piñas

Arestado ang labing apat (14) Nigerian national sa isinagawang magkasanib na operasyon ng Immigration Intelligence Division at ng Philippine National Police (PNP) Las Pinas City nitong nakaraang araw.

 

Ayon kay Fortunato Manahan Jr. hepe ng Bureau of Immigration (BI) Intelligence Division nahuli ang mga ito, matapos ang ilang linggong surveillance ng kanyang mga tauhan sa tulong ng mga residente sa naturang lugar.

 

Batay sa kanilang mga nakuhang impormasyon ang mga suspek ay sangkot sa mga illegal activities, kabilang na ang love scams, online gaming, and credit card fraud.

 

At ayon pa kay Manahan ang initial target nila itong sina Godswill Nnamdi Chukwu 32 anyos at isang Justin Chimezie Obi 30 anyos, ngunit pagdating ng kanyang mga tauhan sa eksaktong lugar nagkataon na nanduon ang labing dalawang Nigerian nationals.

 

Kung kayat agad na inaresto ang 14 illegal alien, dahil sa paglabag sa Immigration Act at sa prebilihiyon na ipinagkaloob ng pamahalaan sa kanilang pansamantalang paninirahan sa bansa.

 

Ang mga suspek ay pansamantalang mananatili sa BI’s Detention Facilities sa Camp Bagong Diwa , sa Taguig City, habang naka-pending ang kanilang Deportation Order sa opisina ng BI Board of Commissioners. (froilan morallos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *