Labing Anim na Flight Ipinakansel ng CAAP Ngayon Araw

Ipinakansela ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang labing anim (16) domestic flight sa ilalim ng kanilang pamumuno,dahil sa masamang panahon dala ng bagyong si Kristine.

Kabilang sa mga kinansela ay ang dalawang Cebu Pacific 5J 404/405 Laoag International Airport flight, Manila – Laoag and vice versa, 5J 851/852, 5J 859/860 Manila-Zamboanga-Manila.

Dalawang Cebgo flights Manila-San Jose-Manila, Cebgo DG 6193/194 Manila-Bicol—Manila, 5J 504/505, 5J 506/507, 5J504/505 at 5J 506/507 Tuguegarao-Manila-Tuguegarao.

Ayon kay CAAP information officer Karen Villanda ang pagkansela sa mga naturang flight, dahil ng malawakang pinasala nitong si bagyong Kristine.

Sa kasalukuyang ang Romblon Airport at ang Naga Airport, ay naga-alok ng free phone charging services upang ang mga stranded pasahero makatawag sa kani-kanilang mahal sa buhay,

Samantalang bukas naman ang pinto ng CAAP sa mga na-stranded, partikular na ang mga pasahero natulog sa Bicol International Airport para makasakay sa kanilang flight ngayon araw.

Habang ang 43 pasaherong na-stranded sa Naga Airport, kabilang ang apat na pamilya at mga estudyante sa Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA), ay pinasilong sa   Terminal Building kasama pa ang libreng meryinda.

Itoy bilang commitment ng CAAP na maisakay ang mga ito, ng safety, reliable, and responsive services kapag may dumarating na kalamidad. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *