Kulang sa Power Supply Ang NAIA 2
Inamin ng Manila International Airport Authority (MIAA) na kinukulang ang supply ng kuryenti sa Ninoy Aquino International airport (NAIA) terminal 2, ng 6 na megawatts upang maging maayos ang air conditioning system ng paliparan.
Ayon kay MIAA General Manager Eric Ines kinakailangan bumili ang pamahalaan o kaya mag renta ng mga generators ng sa gayon matugunan ang air cooling system ng naia 2.
Matapos makarating sa kanyang kaalaman ang reklamo ng mga pasahero sa departure area, dahil sa mainit na temperature na kanilang nararanasan habang naga-antay ng kanilang mga flight.
Ayon pa nito kahit operational ang air conditioning system ng naia 2, nakaka-experience pa rin ng insufficient electrical power supply ang naia terminal 2, kung kayat hindi matugunan ang lamig sa loob.
Dagdag pa nito ang primary attributing factors sa pagtaas ng temperatura sa departure area ng naia terminal 2, ay ang architectural design na mga salamin na siyang dahilan upang maka-penetrate ang init ng araw sa loob ng gusali.
Aniya upang mabigyan ito ng solusyon, may plano ang MIAA na malagyan ng mga tint ito, ng gayon mabawasan ang init na pumapasok sa loob.
Sa kasalukuyang pinagaaralan ng kanyang mga tauhan ang maaring gastusin sa pagbili ng materyales at ang ibabayad sa gagawa. (froilan moralos)