Korean National Tiklo sa NAIA
Na-intercept ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 ang isang Kean national na nagsilbing escort sa limang biktima ng human trafficking or illegal recruitment.
Ayon sa kinatawan ng BI’s Immigration Protection and Border Enforcement (I-PROBES), ang Koreanong ito ay pasakay kasama ang limang biktima sa kanilang Armenia flight.
At ayon sa salaysay ng isa sa biktima maga-attend sila ng seminar, ngunit kalaunan inamin ng mga ito na they were illegally recruited to work as customer service representatives,at pinangakuhan ng suweldo na 267,533 Armenian Dram katumbas ng 40,000 pesos.
Depensa ng Koreano affiliated siya sa isang recruitment agency, at aniya tumutulong lamang siya sa kanyang mga kaibigan upang makapagtrabaho sa labas ng Pilipinnas.
Ngunit noong beripikahin ang record niting suspek, nadiskobre na nag – sponsored na ito ng ibang grupo at hanggang ngayon hindi pa bumabalik ang mga ito.
At batay sa record ng BI data base ang Korenanong ito ay permanent resident sa Pilipinas, dahil nakapangasawa ito ng isang Pilipina.
Sa kasalukuyang itong suspek ay nasa pangangalaga ng inter-agency council against trafficking, upang sumailalim ng imbestigasyon, at kasunod nito ang revocation ng kanyang visa, then the filing of criminal case against the suspect.(froilan morallos)