Korean fugitive Tiklo sa Pampanga
Naaresto ng Bureau of Immigration (BI) Fugitive Search Unit (FSU) sa Pampanga ang naka-takas South Korean national fugitive noong March 4.
Ayon sa report nahuli ito sa tulong ng City Intelligence Unit ng Philippine National Police (PNP), Police Station 4 sa Angeles, Regional Special Operations Unit 3, PNP Intelligence Group at ng Naval Intelligence and Security Group ng Northern Luzon.
Naaresto si Na at ang kanyang kasabwat na si Kang Changbeom sa kanilang pinagtataguan bahay sa Barangay Pampang, Angeles City, Pampanga.
Ang dalawa ay ilinipat sa BI Detention Facility sa Camp bagong Diwa sa Taguig City, kung saan nasa heightened alert ang mga bantay upang hindi na muli makataks ang mga ito. (froilan morallos)