Koreaan National Inaresto sa NAIA
Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security group sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Korean passenger dahil sa illegal drugs na nakuha sa kanyang hand carry bag.
Ayon sa report ng PNP nadiskobre ang nasabing drugs pagdaan sa final security screening, kung saan nakuha sa hand carry bag ng Koreano ang 1.43 kilograms ng pinaghihinalaan droga.
Napagalaman na ang nasabing pasahero ay pasakay sa kanyang Air Asia flight Z2771 sa naia terminal 2 pupuntang Cebu.
Bukod sa illegal drugs nakuha din sa bag ng pasahero ang isang ligther at dalawang liquid containers sa loob ng hand carry bag nito.
Ayon sa pahayag nitong suspek wala siyang alam na mayroon drugs sa loob ng bag, at aniya ang bag na ito ay binili niya dito sa Manila.
Agad naman ito dinala sa opisina ng PNP upang mag-undergo ng imbestigasyon, at kasunod nito ang pagsasampa ng kasong criminal dahil sa paglabag ng RA 9165 o kilala sa tawag na Comprehensive Dangeruos Act. (froilan morallos)